Hindi naman dapat mahalaga ang araw na ito, kung hindi lang dahil sa isang mala pelikulang moment na naisip na isa kong magiting na kaibigan.
Interaskyon.
Mas higit sa sipatan moments.
Teka, kung nagtataka kayo kung ano ang sipatan moments eh ito yung nagnanakawan kayo ng mga tingin sa isa't isa. Maaring tumagal ng tatlong segundo o higit pa kung hindi matotorpe at iiwas ng tinging malagkit ang isa sa inyo.
Pero balik ule tayo. Ehem! Interaksyon.
Mas higit sa sipatan moments.
Mas higit sa pagsusulat niya sa logbook at napapatingin siya sayo para lang sa isang ngiti ng umaga.
At mas higit pa sa lahat ay yung mga werid moments sa kadahilanan na hindi namin alam kung magtatago kami o hindi kapag nag-eexist ang isang sa amin.
Mahirap na sitwasyon at kung may isang lenteng nakatutok sa amin sigurado ako na wala ng gusto pa manood ng aming pelikula. Boring na nga, hanging pa ang ending.
Hanging dahil wala namang patutunguhan pero puno ng excitement araw araw. Para lang kami naglalaro ng hide and seek at ang premyo kapag nakita ng taya ang kalaro niya ay isang ngiti na nakakabuo ng araw.
"Paano magkakaroon ng 'mas higit pa' kung hindi mo pinapansin?"
Kung may batong lumilipad sa ere eh malamang ako na ang sapol.
Minsan kasi kahit gusto ko na ang isang bagay hindi ko pa kayang abutin kaya minsan inaantay ko lumapit sa akin ang tindahan dito sa tapat namin bago ako makabili ng isang lata ng sterilized milk...na imposible namang managyare.
Mahirap kasi panindigan ang salitang attachment baka at the end of the day, ibang iba pala ang interpretasyon mo sa teorya niya.
...
...
...
Gulo ko. Hahaha! Ang mga bagay na kasing dali ng 123 ay binibilang ko ng 312. Komplikado na nagreresulta sa panghihinayang.
Panghihinayang na nauuwi na lamang sa 'wala na lang...kunware.'
At ang 'wala na lang...kunware.' ay nagdudulot ng pagkasawi. 'OUCH!'
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento