Miyerkules, Enero 9, 2013

Direchahan lang

Alam kong hindi dapat ito ang pumapasok sa isip ko sa panahon na dapat iba ang nasa isip ko. Yung..mga mas importanteng bagay? Pero hindi ko na kaya siguro kaya ito ako..mag-eemo. Hahaha!

Masakit eh. Kasi hindi ko na alam ang gagawin ko? Yung parang nasasaktan ka sa isang bagay na hindi naman dapat?

2013. Bagong buhay dapat di ba? Pero bakit apektado pa rin ako ng nakaraan? Ilang araw na akong puyat sa mga bagay na wala akong kasiguraduhan na nakakaapekto sa buong pagkatao ko. Mas pinipili kong manahimik, tumawa ng malakas at mapagod kahit alam ko hindi na kinakaya ng mga mata ko at katawan ko. Pero kasi bakit may parte ng nakaraan na nagbabalik?

Alam mo yung malabo? Yung kinaya mo na wala siya. Yung kinaya mo maging masaya kahit mag-isa pero dahil sa isang usapan parang nagiiba na naman ang ihip ng hangin.

Umayaw ako sa walang kasiguraduhang bagay. Umayaw ako dahil hindi na ako masaya. Umayaw ako para maging masaya pero parang mas nararamdaman ko ang lungkot kapag naiisip ko na umayaw ako.

Minsan naiisip ko okay na wala eh. Pero kapag sumagi na naman sa isip ko..apektado buong immune system ko.

Isa lang ang gusto ko ngayon...may umakap sa akin at sabihin na huwag ng lumingon sa taong lumingon sa akin.

Ang gulo ko. Pero isa lang naman ang pagkakamali ko...ang umayaw dahil sa walang kwentang bagay. Isa lang din ang pagkakamali niya...ang pagkunsinte sa pagkakamali ko para lang maging masaya ako at ito ang mabuhay mag-isa.

Maaring gumawa ako ng paraan...pero natatakot na naman ako na baka pagdating ng araw...magsawa na naman ako. At sasabihin na "Wala ng balikan."

Marami nga bago...pero hindi lahat pwede. Dahil yung dapat pwede...ay hindi pwede dahil din sa mga pangamba.

Malungkot ako. Pwede mo ba ako akapin? Baka sakali kapag umiyak man ako, makapagisip ako ng maayos?

Kasi hindi na ako nakakaiyak eh baka yun na lang kulang para matauhan ako. hahaha. Masyado naman ako naging matibay dahil sa mga bagay na nagiging resulta ng sobrang pagkalungkot. At kung sakalikng umiyak man ako...pwede wag mo ko pipigilan? Hayaan mo ko madehydrate para naman mapagod ang lalamunan at mga mata ko at sa susunod na taon na uli bubuhos ang luha...sana nga hindi na eh...sana.