Miyerkules, Nobyembre 14, 2012

Pagibig ang tema.


"I love you without knowing how, or when, or from where. I love you simply, without problems or pride: I love you in this way because I do not know any other way of loving but this, in which there is no I or you, so intimate that your hand upon my chest is my hand, so intimate that when I fall asleep your eyes close.” 
― Pablo Neruda100 Love Sonnets

Unang araw: Nobyembre 15, 2012

Unang post...PAGIBIG kaagad ang tema.
Kasi saan at kahit kailan ito lang ang bagay na 'applicable' sa lahat.
Halik... Yakap...
Ikaw na lang ang kulang.
Ngunit hindi ako naghahangad ng 'kaagad'.
Oras man ang kalaban,
Pagtitiwala naman ang makakapanatag.

Unang post...PAGIBIG ko ba kaagad ang pinapahiwatig?
Subalit taon man ang lumipas...
Naisin ko man may mahagkan...
Mas mabuti ng ngumingiti mag-isa...
Huwag lang ako uli maligaw. 

Unang post...PAGIBIG ni Pablo Neruda kaagad ang nasambit.
Narinig ko lamang ito na tinula noong kolehiyo ako noon.
Pero ngayon, patuloy na tumatakbo sa aking isipan ang unang linya.

"I love you without knowing how."

Kailan uli kakabog ang dibdib na sumisigaw ng pagibig?

...
...
...

Hanggang dito na lang....

Magpapatuloy lamang ito kapag may kasunod ng kabanata...

Kapag sumilakbok na muli ang damdamin.

Credits to: http://www.goodreads.com/author/quotes/4026.Pablo_Neruda

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento